Bulkang Mayon tumahimik, Bulkang Taal nag-alboroto

MANILA, Philippines - Kung pansamantalang nanahimik sa loob ng 24 oras ang Bulkang Mayon sa Albay, Bicol ay kabaligtaran naman ito sa Bulkang Taal na nag-aalboroto.

Sa ulat ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang naganap na seismic activity at walang crater glow na namataan sa Bulkan Mayon sa magdamag at tanging bahag­yang puting  usok ang namataan.

 Nagluwa naman ng asupre ang naturang bulkan ng may average na may 148 tonelada at patuloy ang ground deformation ng bulkan.

Tumaas naman ang pag-init ng temperature ng tubig sa Taal lake  mula 32.8°C ay na­ging 33.1°C at tumaas din ang pagluluwa ng asupre ng bulkan mula 698 toneladang asupre ay naging 1800 tonelada ng asupre at nanatiling nasa alert level 1.

 

Show comments