Service crew dedo sa kuryente

MANILA, Philippines – Hindi na naisalba ang buhay ng isang 20-anyos na service crew ng isang fastfood restaurant matapos na makuryente habang naglilinis sa pinapasukang establisyimento kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Alfredo Sero, ng Brgy. Gulod Novaliches sa lungsod.

Sa ulat, dakong  alas-11:15 ng gabi ay naglilinis ang biktima sa pinapasukang fastfood restaurant na matatagpuan sa ground floor ng isang mall sa lungsod nang aksidente mahawakan nito ang isang equipment na ginagamit sa loob at nakuryente.

Nang bumagsak ang biktima ay agad na hu­mingi ng tulong ang kasamahan nito sa kanilang branch manager at itinakbo ang una sa Saint Lukes Hospital, subalit makalipas ang alas-4:40 ng madaling araw ay namatay din ito.

Show comments