^

Police Metro

Bagyong Neneng lumabas na

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang pana­nalasa ng malakas na ulan ay lumabas na kahapon sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Neneng.

Kahapon ng alas-5:00 ng umaga ay huling namataan si Neneng sa la­yong 1,240 kilometro ng hilagang silangan ng Itbayat, Batanes taglay  ang lakas ng hangin na umaabot sa 175 kilometro kada oras  malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 210 kilometro bawat oras.

Si Neneng ay kumikilos sa bilis na 20 kilometro bawat oras pahilagang kanluran papuntang Japan.

Ayon kay Jori Loiz, weather forecas­ter ng PAGASA na ba­gamat  walang direktang epekto sa bansa ang lumabas na  bagyo, asahan din ang mga pag-ulan sa ibat ibang bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila, Palawan at Visayas.

Maulan naman sa Southern Mindanao dahil sa epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ). - Angie dela Cruz-

ANGIE

AYON

INTERTROPICAL CONVERGENCE ZONE

JORI LOIZ

METRO MANILA

NENENG

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

SI NENENG

SOUTHERN MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with