Helper utas sa 2 kainuman

MANILA, Philippines - Pinagtulungang pagsasaksakin ang isang helper ng dalawa niyang kainuman nang magtalo ang mga ito kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Neil Tulabing, 28.

Nadakip ang isa sa mga suspek na si Jason Hizola, 20, habang ang kasamahan nitong si William Godello ay nakatakas.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-11:00 ng gabi ay magkakasamang nag-iinuman ang biktima at dalawang suspek sa parking lot ng Elamont Marketing na matatagpuan sa no. 199 Kanlaon St., Brgy. Maharlika.

Nang malasing ay nagkaroon ang mga ito ng pagtatalo hanggang sa kumuha si Godello ng patalim  at sinaksak ang biktima na sinudan din ng saksak ni Hizola.

Kahit na may tama ng saksak ang biktima ay nakatakbo ito, subalit hinabol siya ng dalawang suspek at muling pinagsasaksak.

 

Show comments