Bastos sumagot... Dalaga pinatay ng tatay

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay ang isang 24-anyos na dalaga nang ito ay tagain sa leeg ng sariling ama matapos ang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Zapote 3, Bacoor City, Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si Glaiza Arzena, empleyada, residente ng Kataasan, Brgy. Zapote 3 ng nasabing lungsod.

Naaresto agad ang suspek na si Adrenitico Arsena, 64, residente rin ng nasabing lugar.

Batay sa  ulat ng pulisya, bago nangyari ang krimen dakong alas-6:00 ng umaga ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang biktima at ama nito sa hindi pa malamang kadahilanan.

Dito ay pabalang umanong sinagot ng biktima ang ama na napikon at pumasok sa kusina at kinuha ang itak at paglabas ay walang sabi-sabing tinaga ang una sa leeg.

Mabilis na dinala ang biktima sa ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Ang suspek ay inaresto ng mga rumespondeng barangay opisyal.

 

Show comments