Bus vs tanker truck: 1 patay, 22 pa sugatan

MANILA, Philippines -  Isa katao ang patay habang 22 ang  sugatan nang  aksidenteng magbanggaan ang isang mini bus at isang tanker truck sa lalawigan ng Bataan nitong Biyernes.

Dead-on-the spot ang  biktimang si Alex Moncal, driver ng tanker truck habang isinugod sa ospital ang mga sugatang biktima kasama na ang driver ng bus na si Ronnie Laureto na ngayon ay kritikal ang kondisyon.

Sa inisyal na ulat  ng Bataan Police, naganap ang sakuna sa kahabaan ng KM 240 Roman highway, Brgy. Lamao, Limay, Bataan dakong alas-6:35 ng umaga kung saan katatapos lang magsakay ng mga pasahero ang nasabing bus na pag-aari ng isang kompanya.

Ayon sa pulisya, ang  nasabing tanker truck ay nag­lalaman ng Liquified Petroleum Gas (LPG). Patuloy naman ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa kasong ito.

Show comments