Lady trader utas sa saksak

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang 39-anyos na negosyanteng si Maria Luisa Ramirez, ng Araullo Street, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City matapos na saksakin ng dalawang hindi pa kilalang kalalakihan kahapon ng alas-4:00 madaling-araw.

Sa salaysay sa pulisya ng mister ng biktima na si Rodel Ramirez, nauna siyang lumabas ng bahay para kunin ang sasakyan na gagamitin patungo
sa kanilang grocery store at hindi pa siya nakakalayo ay narinig niyang nagsisisigaw ang misis.

Bumalik si Rodel sa kanilang townhouse, na siyang pinakadulong unit ngunitwala na ang mga suspek at sa halip ay
natagpuan ang duguan at wala ng buhay na biktima.

Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo at natangay sa biktima ang P5,000 at narekober din ang isang kutsilyo at isang ice pick na itinapon ng mga suspek sa manhole sa labas ng
townhouse.

 

Show comments