Ginang na negosyante, itinumba

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang may-ari ng Lady Boss KTV bar na si Maria Luz Lastimoso, 33 ng nag-iisang gunman kahapon ng alas-2:30 ng madaling-araw sa San Juan City.

Nabatid na nagpapahangin ang biktima sa  kanyang KTV bar na makikita sa F. Blumentrit St., nang dumating ang suspek na nagkunwaring bibili ng sigarilyo at walang kaabog-abog na binaril ang biktima sa ulo.

Tumakas ang suspek sakay ng isang kulay silver na kotse na hindi naplakahan.

Show comments