SB pabor sa lifestyle check ng mga solons

MANILA, Philippines - Walang tutol si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na magkaroon ng lifestyle check ang mga kongresista.

Subalit, hindi ito maaaring i-impose sa kahit sinong kongresista.

Giit ng lider ng Kamara na kailangan ang lifestyle check sa mga kongresista na mayroong mga isyu ng iregularidad o katiwalian at kung wala naman umanong isyu ay hindi na umano nararapat suriin ang uri ng pamumuhay nito.

Suportado naman nina Quezon City Rep. Bolet Banal at Cibac partylist Rep. Sherwin Tugna ang lifestyle check sa mga kongresista.

Naniniwala si Tugna na makakatulong ito para makabawi ang imahe ng kamara sa mata ng publiko.

 

Show comments