VP Binay, handang magpa-lifestyle check

MANILA, Philippines - Handa si Vice President Jejomar Binay na sumailalim sa lifestyle check sa gitna ng mga isyu ng kurapsyon na ipinupukol sa kanilang pamilya bilang sagot sa hamon ng United Makati Against Corruption (UMAC).

Ito ang pahayag ni Binay sa ambush interview dito sa isang event sa PICC, kahapon ng umaga.

Si VP Binay maging ang anak nitong si Makati Mayor Junjun ay kapwa nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng P2.2 bilyong Makati City Hall building 2 na sentro ng pagdinig ng Senado.

Pinag-iisipan pa rin ng kampo ni VP Binay kung kakagatin ang imbitasyon ng Senado na dumalo sa pagdinig sa Huwebes.

 

Show comments