^

Police Metro

157 Pinoy peacekeepers, biyaheng Haiti

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patungo na sa Haiti ang panibagong grupo ng mga sundalong Pinoy na magsisilbing peacekeepers sa ilalim ng United Nations (UN).

Pinangunahan kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gregorio Catapang ang send off cere­mony ng 157 miyembro ng Philippine Navy (PN) sa Villamor Airbase.

Binubuo ito ng 11 officers at 146 enlisted personnel kasama ang 33 mula sa Philippine Marine Corp at pito sa bagong grupo ay babae.

Makakasama nila ang peacekeepers mula sa ibang bansa sa ilalim ng United Nations Stabilization Mission in Haiti (MINUSTAH). 
Inaasahang tatagal ng anim hanggang siyam na buwan sa Haiti ang mga ito.

Papalitan nila ang 17th contigent na pinamunuan naman ni Captain Luzviminda Camacho, ang unang babaeng contingent commander na 11 buwan ang itinagal sa Haiti.

 

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BINUBUO

CAPTAIN LUZVIMINDA CAMACHO

CHIEF GREGORIO CATAPANG

PHILIPPINE MARINE CORP

PHILIPPINE NAVY

UNITED NATIONS

UNITED NATIONS STABILIZATION MISSION

VILLAMOR AIRBASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with