Bigtime trading cartel sisiyasatin ng House
MANILA, Philippines - Nakatakdang imbestigahan ng House Committee on Food Security ang umanoy smuggling at hoarding ng mga bigtime trading cartel sa bansa kaya nagkakaroon ng artificial na shortage sa mga pangunahing bilihin at ng bawang.
Sinabi ni Butil partylist Rep. Agapito Guanlao, chairman ng komite, bubusisiin niya ang reklamo ng kooperatiba ng mga magsasaka at sisihin ng National Garlic Action Team (NGAT), isang multi-sectoral consultative group na binubuo ng national garlic industry, ang mga negosyante ng bawang sa umanoy shortage at overprice into.
Tiniyak naman ng mga miyembro ng NGAT kay Guanlao na may sapat ng bawang sa bansa kahit na sinisisi nito ang ginagawang media hype sa nasabing isyu upang masarili nito ang malaking importasyon ng bawang.
- Latest