Mga kumuyog kay Abad ‘di dapat tawaging iskolar ng bayan

MANILA, Philippines - Ang mga estudyante ng University of the Philippines na kumuyog kay Budget Secretary Butch Abad ay hindi umano dapat tawaging iskolar ng bayan.

Ito ang sinabi ni Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe na alumnus ng UP economics at ikinahiya niya ang mga nasabing  estudyante na tinawag pa si Abad na hooligans.

Anya, nagsasayang lang ng pondo ang gobyerno sa pagbibigay ng subsidiya sa edukasyon sa mga nasabing estudyante at wala rin umanong sapat na dahilan para pairalin ng mga kumuyog kay Abad ang mobocracy dahil ang ganitong asal ay walang puwang sa sibilisadong lipunan.

 

Show comments