^

Police Metro

Piniling magpakamatay kaysa magpahuli

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa halip na magpahuli sa sekyu ay mas pinili umano ng isang obrero na tumalon mula sa ikatlong palapag ng isang mall kamakalawa sa Muntinlupa City na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Muntinlupa dahil sa pagkabagok ng ulo ay kinilalang si Amelito Ruaya, nasa hustong gulang, stay-in bilang construction worker sa EEI Project na matatagpuan sa Festival Mall, Filinvest, Barangay Alabang ng lungsod.

Sa imbestigasyon bago ginawa ng biktima ang pagtalon dakong alas-7:00 ng gabi sa ikatlong palapag ng Star Mall ay kainuman nito ang kasama sa trabaho na si John Joseph Denuevo, 31 sa  isang convenience store na malapit sa naturang shopping mall.

Nang malasing ang biktima ay inilabas nito ang patalim at hinaharas umano nito ang mga kawani ng convenience store.

Ito ang dahilan kung kaya’t nagsumbong ang isang empleyado sa isang  sekyu ng mall.

Pagdating ng sekyu sa  tindahan ay wala na ang biktima na umakyat sa ikatlong palapag at  tumalon na bumagsak sa unang palapag.

Isinugod ang biktima ng kanyang kasamahan sa nasabing  pagamutan,  subalit hindi na ito umabot ng buhay.- Lordeth Bonilla-

 

AMELITO RUAYA

BARANGAY ALABANG

FESTIVAL MALL

FILINVEST

ISINUGOD

JOHN JOSEPH DENUEVO

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

STAR MALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with