2 NPA utas sa engkuwentro

MANILA, Philippines - Napatay ang dalawang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) nang makasagupa ang tropa ng mga sundalo sa kabundukan ng Brgy. Hinapuyan, Carmen,Surigao del Sur kamakalawa.

Sa ulat, dakong alas-9:15 ng umaga nang masabat ng mga tauhan ng Army’s 36th Infantry Battalion (IB) ang grupo ng mga armadong rebelde sa nasabing lugar at nagkabakbakan.

Nabatid na dineploy ang mga sundalo sa lugar matapos na makatanggap ng ulat ng pangingikil ng revolutionary tax ang mga armadong rebelde sa mga residente.- Joy Cantos-

 

Show comments