Tserman itinumba

MANILA, Philippines - Patraydor na binaril sa batok ang isang barangay chairman habang bumibili ng pagkain ng manok ng isang lalaki kahapon ng umaga sa Lipa City, Batangas.

Namatay noon din ang biktima na si Onofre Maloles, 62-anyos, incumbent Chairman ng Brgy. Sta. Teresita, Sto Tomas, Batangas.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga ay kasalukuyang bumibili ng pagkain ng hayop ang biktima sa isang tindahan sa General Luna Ave­nue, Brgy. Sabang nang sumulpot ang suspek at pagbabarilin ito sa batok.

Mabilis na tumakas ang suspek na nakasuot ng itim na jacket, kulay pulang helmet at shorts bitbit ang cal. 45 pistol  sakay ng  motorsiklo.

Show comments