Dalagita na may kapansanan natupok sa sunog

MANILA, Philippines - Hindi na nakalabas sa nasusunog nilang bahay ang isang 15-anyos na dalagita na may kapansanan sa pag-iisip matapos itong matusta na naganap kamakalawa sa Brgy. 2, Lipa City, Batangas.

Halos hindi na makilala ang biktimang si Vergelyn Leyesa, residente ng nasabing lugar nang marekober ang sunog nitong bangkay.

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang lamunin ng apoy ang bahay ng biktima at nabi­­gong­­­­ mailigtas ang dahil nababalutan na ng apoy ang buong kabahayan.

Ang sunog ay sanhi umano ng sinindihang kandila ng biktima.

Halos mahigit isang oras bago naapula ng mga bumbero ang sunog dakong alas-3:00 ng madaling-araw.

 

Show comments