^

Police Metro

Palparan inilipat ng kulungan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mula sa Bulacan Provincial Jail ay inilipat na kahapon sa detencion cell ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City ang   high profile detainee na si Ret. Major Gen. Jovito Palparan dahilan sa tumitinding banta sa kaniyang buhay.

Ito’y matapos na katigan ni Malolos Regional Trial Court (RTC) Branch 14 Judge Teodora Gonzales ang mosyon ng kampo ni Palparan.

Si Palparan ay nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa pagkawala ng dalawang UP students na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan noong Hunyo 2006.

Bandang alas-2:45 ng hapon nang maihatid ng security escorts si Palparan  sa Philippine Army kung saan ay idiniretso ito sa Custodial Center.

Una nang ibinulgar ng AFP na delikado ang buhay ni Palparan sa Bulacan Provincial Jail dahil may limang lider ng NPA na nakapiit din dito ang posibleng magtangkang itumba ang retiradong opisyal na binansagan ng mga itong “Berdugo’ ng kanilang hanay.

 

BULACAN PROVINCIAL JAIL

CUSTODIAL CENTER

FORT BONIFACIO

JOVITO PALPARAN

JUDGE TEODORA GONZALES

KAREN EMPENO

MAJOR GEN

MALOLOS REGIONAL TRIAL COURT

PALPARAN

PHILIPPINE ARMY

SHERLYN CADAPAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with