Kelot binaril sa ulo ng tindero ng pirated DVD
MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 29-anyos na lalaki nang ito ay malapitang binaril sa ulo habang naglalaro ng cara y cruz kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Ang nasawi ay kinilalang si Aries Danao, self- employed, residente ng Bagong Pag-asa, Taguig Homeowners Association, Inc., Ibayo Tipas, Taguig City.
Sa ulat, dakong alas-6:20 ng gabi ay naglalaro ang biktima ng cara y cruz sa tapat ng 177 R. Jabson St., Barangay San Joaquin nang sumulpot ang suspek na kinilalang si Basti Sarim, DVD vendor, at residente ng E. Santos St., Barangay San Joaquin at walang kaabog-abog na binaril sa ulo ang biktima.
Mabilis namang tumakas ang suspek nang makitang bumagsak ang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon para alamin ang motibo ng pamamaslang sa biktima ng suspek na hinalang may galit dito.
- Latest