No. 9 most wanted ng Maynila, laglag

MANILA, Philippines -  Naaresto ng Manila Police District (MPD) ang isang notoryus na holdaper na nasa no.9 most wanted ng pulisya sa isinagawang “Oplan Salikop” sa Pedro Gil, Maynila kamakailan.

Kinilala ang suspek na si Edwin Pore alyas “Utak”, residente  ng no.1230 Int. 18, Masigasig St. Kahilum II, Pandacan, Maynila.

Nabatid na natiyempuhan ng mga otoridad si Pore  habang kumakain sa isang lugawan sa kanto ng Pedro Gil.

Bitbit ng mga tauhan ng CIDU ang warrant of arrest na inisyu ni Manila Regional Trial Court (RTC)  Branch 29  Judge Roberto Quiros.

Patuloy lamang sa iligal na gawain ang suspek dahil nakumpiskahan pa ito ng isang kalibre .38 na pistola mula sa kaniyang beywang.

Pinakahuling biktima sa panghoholdap ng suspek ay isang Bernadette Careo na hinoldap noong Setyembre 2, 2014, sa kanto ng Carreon at Amparo Sts., Sta.Ana.

 

Show comments