^

Police Metro

BIR aalamin ang nagpayaman sa puwesto... Lifestyle check sa PNP

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Isasailalim ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa lifestyle check matapos na masangkot ang ilang miyembro nito sa robbery at kidnapping.

Ayon kay Usec. Abigail Valte na suportado ng Palasyo ang mungkahi ni DILG Sec. Mar Roxas na lifestyle check sa mga  miyembro ng PNP at ito ay nakikipagkoordinasyon na kay BIR Chief Kim Henares.

Kaya sinabi ni Valte, asahan ng publiko na mabilis na kikilos dito ang BIR upang matukoy ang mga nagpapayaman sa puwesto.

“Commissioner (Kim) Henares works really fast. What Commissioner Henares always says is that if there is something initiated, these are always confidential. Meaning, we will know of the results once they have filed the proper cases,” dagdag pa ni Valte.

Magugunita na matapos madakip ang mga pulis na nagsagawa ng hulidap sa Edsa-Mandaluyong ay iniimbistiga­han ang kabuhayan ng mga ito at nalaman na ang ilan sa kanila ay pawang may mga assets na umaabot sa milyong piso gayung isang pang­karaniwang pulis lang ang mga ito.

 

ABIGAIL VALTE

AYON

CHIEF KIM HENARES

EDSA-MANDALUYONG

MAR ROXAS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

VALTE

WHAT COMMISSIONER HENARES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with