Magpinsan na de baril, timbog sa checkpoint

MANILA, Philippines - Arestado sa isang police checkpoint ang isang magpinsan matapos na mahulihan na may dalang baril kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Ang mga suspek na kinasuhan ng illegal possession of firearm ay sina Ruben de Antonio, 50 at Alex Calindong, 45, kapwa ng Holy Spirit, Quezon City.

Sa ulat, dakong alas-3:00  ng madaling araw ay nagsasagawa ng checkpoint ang mga pulis sa Quirino Highway nang masita ang mga suspek na sakay ng motorsiklong for registration na minamaneho ni Calindong.

Nang tingnan ng mga pulis ang dalang bag ni De Antonio ay nakita ang kalibre .9mm at walang maipakitang papeles kaya’t inaresto ang mga ito.

 

Show comments