Driver binistay dedo

MANILA, Philippines - Binaril sa ulo ang isang taxi-driver ng di pa nakikilang salarin habang nagpapa-repair ang una ng stereo­ ng sasakyan sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Nakilala ang  biktima na si Franklin Mercader, 45, ng Mcarthur St., Area 1, Veterans Village, Brgy. Pasong Tamo sa lungsod habang patuloy naman na iniimbestigahan ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas -11:50 ng umaga  sa kahabaan ng Aurora st., Area 5, Veterans Village kung saan ang biktima ay magpapagawa ng stereo ng kanyang taxi (TYN-770) sa isang Roberto Caro.

Bigla na lang umanong nakarinig si Caro ng putok ng baril at nakita na lang ang biktima na duguan at hindi na nakita kung sinong bumaril dito.

Narekober naman ng pulisya ang isang basyo ng kalibre 45 baril at isang tingga nito. Patuloy ang im­bestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

Show comments