Misis kinatay, mister nag-suicide

MANILA, Philippines -  Pinatay muna ng isang mister ang kanyang 48-anyos na misis sa pamamagitan ng pagtaga sa ulo at pagsaksak sa katawan bago niya saksakin ang sarili na kanyang ikinasawi dahil lang sa selos naganap kamakalawa sa  Brgy. Osmeña, Dangcagan, Bukidnon.

Ang nasawing ginang ay kinilalang si Lolita Paler, habang ang suspek ay ang mister nitong si Tiburcio Paler, 52.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang krimen ay nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa na ang ugat ay matinding pagseselos ng mister.

Sa sobrang galit umano ng mister ay pinagtataga ito ng itak sa ulo at sinaksak pa sa katawan ang misis.

Nang mapatay ang misis ay sinaksak ng mister ang sarili na na—ging dahilan ng kanyang kamatayan.

 

Show comments