5 pulis sa EDSA hulidap, sumuko

MANILA, Philippines -  Pagkalipas ng sampung araw matapos ang insidente ng EDSA-Mandaluyong City noong Setyembre 1 hulidap ay sumuko na ang limang pulis na bagama’t ay ayaw banggitin ang mga pangalan ay sinabi ng source  na ito ay sina SPO1 Ramil Hachero, PO1 Mark de Paz, PO2s Ebonn Decatoria, Jerome Datiguinoo, at Weaven Masa, mga nakatalaga sa La Loma Police Station 1 ng QCPD.

Habang patuloy na pinaghahanap sina Sr. Insp. Marco Polo Estrera, (dismiss), at Sr. Insp. Oliver Villanueva.

Sumuko kamakalawa si Senior Insp. Allan Emlano ng Caloocan City Police, para linisin umano ang kanyang pangalan matapos idawit sa kaso.

 

Show comments