Nakatanggap ng text sa ibang lalaki… misis tinarakan ni mister

MANILA, Philippines - Binaunan ng tatlong saksak sa katawan ang 40-anyos na ginang nang magselos ang mister sa nabasang text message mula sa ibang lalaki, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sinuwerte naman na nakaligtas ang biktimang si Rowena, saleslady,  nang mabilis na maisugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Bunsod naman ng sob­rang takot ng suspek na si Noriel Sapian, 38, gasoline boy, ng Choco st., na napatay niya ang misis, nagtangka  rin itong magpakamatay din sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili subalit naagapan siya ng mga rumespondeng barangay tanod, na siyang dumakip sa kaniya.
Ayon sa pulisya, nagtalo ang mag-asawa dakong alas-9:00 ng gabi nang pakialaman umano ng suspek ang cell phone ng biktima nang ito ay tumunog.

Ngunit ng basahin ay nagulat umano ang suspek  kaya ito ang nag-reply dahil tila nakikipagmabutihan na ang biktima sa lalaking ka-text nito.

Bunsod nito, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang mag-asawa hanggang sa magdilim ang paningin at saksakin na lamang ang misis  sa kaliwang bahaging itaas  ng dibdib nito.

Mahaharap sana sa kasong  attempted paricide ang mister subalit pinalaya na ito nang iurong ng misis ang paghahain ng reklamo.

 

Show comments