MANILA, Philippines - Tuluyan nang hindi magigising sa kanyang pagtulog ang biktimang si Allan Pabalan, jobless, ng no. 1633 Yakal St., Tondo, nang barilin ito sa ulo ng isang nakamotorsiklo habang natutulog sa loob ng nakaparadang jeep kamakalawa.
Sa ulat, dakong alas-11:55 ng gabi ay nagpapahinga umano ang biktima at live-in partner nito na si Celeste Loste sa loob ng isang nakaparadang jeepney (TWS 982) nang dumating ang suspek at walang sabi-sabing binaril ang biktima sa ulo.
Sa nakalap na impormasyon ng pulisya na bago ang krimen ay may ninakaw umano ang biktima na bisekleta na posibleng dahilan kaya ito ay pinatay.