Lalaki hindi na umabot sa kanyang B-Day

MANILA, Philippines - Hindi na sumapit sa kanyang ika-31-taong kaa­rawan ang biktimang si Michael Soriano ng Antipolo City, Rizal matapos itong malunod sa isang swimming pool kamakalawa ng  gabi sa Valenzuela City.

Batay sa ulat, nagtungo ang biktima kasama ang ilang kaibigan sa Santiago Resort sa Santiago St., Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City para ipagdiwang ang kaarawan.

Lumangoy ang biktima at pagsapit ng alas-11:50 ng gabi, na 10 minuto na lang bago ang kaarawan ay nakita ito sa ilalim ng tubig ng swimming pool na nalulunod.

Show comments