DLSU stude, nagbigti

MANILA, Philippines - Isang 17-anyos na binatilyo at estudyante ng De La Salle University-Cavite ang natagpuang nakabigti sa loob ng kanilang bahay sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa.

Ang biktima ay kinila­lang si Justine Paul Tayag, first year college sa nasabing unibersidad at nakatira sa Blk 14, Lot 19, South Meri­dian Subd. Brgy. Salitran 4, Dasmariñas City.

Sa salaysay ng kapatid ng biktima na si James, dakong alas- 6:00 ng gabi nang dumating siya sa kanilang bahay nang tumambad sa kaniya ang nakabigting katawan ng kapatid sa laundry area ng bahay.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng suicide at inaalam kung may naganap na foul play.

 

Show comments