^

Police Metro

7 U-turn slots sa C-5, isinara

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isinara na ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority  (MMDA) ang 7 U-turn slots bilang paghahanda sa ipatutupad na one truck lane policy sa kahabaan ng C-5 Road bukas.

Kaya’t gumawa ang MMDA ng traffic signalized intersection sa may Lanuza, Greenmeadows, Calle Industria at Eastwood, habang  nananati­ling bukas naman ang mga U-turn slot sa may Libis, Bagong Ilog flyover at Ortigas.

Kahapon ng umaga ay nagsimula nang nagpatupad ng dry run ang sa innermost lane ng C-5 para sa bagong regulasyon na ikinalito ng maraming motorista kaya’t nagtalaga ng mga enforcer ang MMDA sa apektadong lugar upang umalalay.

Ang pagpapatupad ng one truck lane policy sa  C-5 Road ay matapos aprubahan ng Metro Manila Council na binubuo ng mga Metro Manila mayors, ang body po­licy making ng MMDA. Dahilan na rin nang pagsisikip sa trapiko at mga aksidenteng kinasasangkutan ng truck sa mga kalsada ng Metro Manila.

Lomobo umano ang bilang ng mga truck na bumabagtas sa C-5 Road  matapos magbigay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng provisional authority sa mga ito. 

Bukas, exclusive ang truck lane kapag window hours simula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon at alas-10:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga. 

Subalit kapag umiiral ang truck ban, maaari namang dumaan ang ibang sasakyan sa innermost lane.

 

BAGONG ILOG

BUKAS

CALLE INDUSTRIA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

METRO MANILA

METRO MANILA COUNCIL

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with