Bagets dedbol sa rambol

MANILA, Philippines - Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 19-anyos na si Domici Tilisan ng Kapanalig St., Caloocan City matapos na masaksak ng isang miyembro ng kalabang grupo sa naganap na rambol kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang sumiklab ang rambol sa pagitan ng dalawang magkalabang grupo ng kabataan sa Kapanalig St., Brgy. 28, ng naturang lungsod at dito ay nasaksak ang biktima.

Ayon sa mga kaanak, hindi naman umano kasama sa away ang biktima at umawat lamang ngunit ito ang napagbalingan ng mga kalabang grupo.

 

Show comments