Miyembro ng Sayyaf na kidnaper, timbog

MANILA, Philippines - Nasakote ng mga otoridad ang isang pinaghihinalaang miyembro ng mga  kidnapper mula sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa  isinagawang operasyon sa Lamitan City,  Basilan  kamakalawa.

Kinilala ang nasakoteng suspek na si Jauhari Idris, gumagamit ng mga alyas na Jal at Boy Tinik.

Sa ulat ni PNP Spokesman Sr. Supt. Wilben Mayor, bandang ala-1:55  ng madaling-araw nang madakip ang suspek ng mga elemento ng pulisya sa Region 9 sa operasyon sa Brgy. Tabdug, Lamitan City ng lalawigan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni  Provincial Prosecutor Domingo Kinazo ng 9th Judicial Region, Branch 1 ng Isabela City kaugnay ng pagkakasangkot nito sa serye ng kasong kidnapping with serious illegal detention.

Walang inirekomendang piyansa ang korte kapalit ng pansamantalang kalayaan ng suspek.

Show comments