MANILA, Philippines - Hindi na naisalba ng mga doktor ang buhay ng isang Hapones nang barilin ito ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo sa tapat ng isang mall sa Antipolo City, Rizal kahapon ng hapon.
Kinilala ang biktima sa pangalang Tsuya Kazuaki, na residente ng Novaliches, Quezon City.
Sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon nang
matagpuang duguan ang biktima sa tapat ng kilalang mall ng mga kawani.
Iniulat ng mga ito ang insidente sa kanilang tanggapan at sinusubukang i-revive
ng nurse ng mall at pagkatapos ay isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktima ngunit binawian din ito ng buhay.
Ayon sa ilang saksi na nakita nila ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang bumaril sa biktima at pagkatapos ay mabilis na tumakas.
Patuloy ang imbestigasyon kung ano ang motibo ng pamamaril sa biktima.