^

Police Metro

Field trip tragedy... 6 estudyante, nalunod

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umakyat na sa anim ang bilang ng mga estudyante ng Bulacan State University (BSU) na nasawi sa pagkalunod sa Madlum River, Barangay Sibol, San Miguel, Bulacan noong Martes. 

Kahapon ng alas-10:20 ng umaga nang makita ang bangkay ni Janet Rivera at dakong alas-2:00 ng hapon ay natagpuan ang bangkay ni  Madel Navarro.

Habang pinaghahanap pa rin ang isa pang estudyante na kinila­lang si Maiko Bartolome. 
Una nang natagpuan ang labi ng apat na estud­yanteng kinilalang sina Sean Alejo,15; Mikhail Alcantara,15; Michelle Ann Rose Bonzo,16 at Helena Marcelo,16.

Sa paunang imbestigasyon, apat na bus ng mga tourism student ng BSU ang nagtungo sa makasaysayang Biak Na Bato Cave sa San Miguel para sa kanilang field trip. 

Ang Madlum Ri­ver cave ay isa sa mga itinuturing na UNESCO World Heritage Site at isang popular na destinasyon ng mga turista sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat na natanggap ni Police Superintendent Ganaban Ali, hepe ng pulisya sa San Miguel, sakay ng balsa ang ilang estudyante at pauwi na nang biglang tumaas ang antas ng tubig sa ilog kasunod ng malakas na ulan. 

Dito na inanod ng tubig ang balsang sinasakyan ng mga ito. 
Binigyan na ng first aid ang dalawa sa mga nasagip na estudyante na nasugatan sa matatalas na bato sa nasabing ilog na kinilalang sina Althea Hernandez at Daniela Cunanan.  

Nabatid pa sa mga residente sa lugar na sa tuwing malakas ang ulan ay bumabagsak sa Madlum River ang tubig na galing sa bundok na nagiging sanhi ng biglaang pagtaas ng tubig at pagbaha.

ALTHEA HERNANDEZ

ANG MADLUM RI

BARANGAY SIBOL

BIAK NA BATO CAVE

BULACAN

BULACAN STATE UNIVERSITY

MADLUM RIVER

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with