MANILA, Philippines - Upang higit pang maiangat ang antas ng mga empleyado at manggagawang kababaihan ay inilunsad noong Agosto 15-16, 2014 ng Integrated Paralegal Association of the Philippines (IPAP) sa pagtataguyod ng Department of Labor and Employment – National Conciliation and Mediation Board (DOLE-NCMB) ang Advocacy and Capacity Building on Gender and Development Seminar for Labor Law Paralegals na ginanap sa Brentwood Suites, Dr. G. Garcia St., Brgy. Paligsahan, Quezon City.
Ang paglulunsad ng nasabing seminar ay bilang bahagi ng layuning lubos na maisulong ng mga paralegal volunteers ang adbokasiya sa capacity building at gender development.
Ang IPAP ay organisasyon na binuo ni Tom Semana, isang paralegal volunteer na ngayon ay kinikilala na ng DOLE - NCMB bilang accredited voluntary arbitrator (AVA).