Kelot pinatay paglabas ng bahay

MANILA, Philippines - Hindi sukat akalain ng isang lalaki na sa pag­labas niya ng bahay ay iyon na ang magiging katapusan ng kaniyang buhay matapos barilin kahapon sa Pasig City.

Namatay noon din ang biktimang si Alvin Panican,  41. jobless, ng Palatiw Kanan, Barangay Palatiw ng lungsod dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sa imbestigasyon dakong alas-12:00 ng mada­ling-araw nang umalis ang biktima sa bahay matapos na maisipan nitong dalawin ang mga magulang na pitong buwan na nitong hindi nakikita.

Habang naglalakad ay bigla na lamang itong pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek.

 

Show comments