^

Police Metro

3 bangka lumubog, 12 Badjao ligtas, 45 nawawala

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naligtas ng mga elemento ng Philippine Navy ang 12-Badjao habang 45 pa ang pinaghahanap nang lumubog ang tatlong bangkang sinasakyan ng mga ito sa karagatan ng Sibutu island, Tawi-Tawi kamakalawa ng gabi.

Kinabibilangan ng apat na bata ang na-rescue sa mga biktima  at walong matatandang Badjao. 

Sa imbestigasyon, ban­dang alas-6 ng gabi nang lumubog ang tatlong bangka na ang bawat isa ay may lulang 19 Badjao o 57 katao nang balyahin ang mga ito ng naglalakihang alon bunsod para ito ay lumubog.

Ang nasabing mga Badjao ay patungong Sabah, Malaysia para magbenta ng isda nang mangyari ang insidente at mabuti na lamang na napadaan sa lugar ang M/V Savina, isang bulk carrier ng Australia patu­ngong China. 

Agad namang nag­responde ang Patrol Gunboat (PG) 104 ng Philippine Navy ng matanggap ang impormasyon at nai­ligtas ang  12 survivors na inabutan sa lugar.

Ngayon ay patuloy naman ang search and rescue operation sa mga nawawala pang biktima.

BADJAO

KINABIBILANGAN

NALIGTAS

NGAYON

PATROL GUNBOAT

PHILIPPINE NAVY

SABAH

V SAVINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with