MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagkakataon ay muling dinala si Senador Juan Ponce Enrile sa Philippine General Hospital (PGH) sa Taft Avenue, Maynila para sumailalim sa medical check-up kahapon ng alas-7:20 ng umaga.
Ayon kay PGH Director Dr. Jose Gonzales, na ito na ang ikalawang beses na nagpa-check-up ang senador.
Halos tatlong oras namalagi sa PGH matapos suriin ang kaniyang puso at mga daluyan ng dugo at isinailalim din sa 2D echo, ECG at CT scan.
Si Enrile ay nahaharap sa kasong plunder at graft kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam.