Granada ng riding-in-tandem, sumambulat

Hawak ng pulis ang mga piraso ng shrapnel ng sumabog na granada na narekober sa kahabaan ng Road 10, Tondo, Maynila kahapon.  Ang nasabing granada ay  dala ng riding-in-tandem na gagamitin sana sa panghoholdap ng ito ay aksidenteng nabitawan.- EDD GUMBAN-  

MANILA, Philippines - Malaki ang paniwala ng otoridad na ang granadang sumabog na dala ng riding-in-tandem suspect ay gagamitin ng mga ito bilang panakot sa kanilang mga bibiktimahin na naganap bago umakyat ng Delpan Bridge, Maynila.

Ayon kay Manila Police Station 2 Delpan PCP chief, Sr. Insp. John Guiagui, na isang kulay asul na Mitsubishi Adventure ang sinusundan ng riding-in-tandem at pilit itinututok sa salamin ng sasakyan ang hawak nilang granada nang ito ay aksidenteng mabita­wan ng backrider.

Nakaligtas ang mga suspek sa pagsabog, su­balit tinamaan ang dumadaang motorsiklo na minamaneho ni Peter San Diego  dahilan para tumaob ang motorsiklo at nabagsakan ito.

 

Show comments