^

Police Metro

Binatilyo tinodas ng bading na kasambahay

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 13-anyos na binatilyo matapos na ataduhin ng saksak ng kanilang kasambahay na bading kahapon ng umaga sa Mabuhay Homes 2000 Subdivision, Brgy. Paliparan 2, Dasmariñas City, Cavite.

Hindi pinangalanan ng pulisya ang biktima na 13-anyos, grade 7 student at residente ng nasabing subdivision na halos lumuwa ang bituka sa dami ng saksak.

Tumakas ang suspek na kinilala sa alyas na Sadam, Sandy, isang bakla, 26 anyos, tubong Surigao at kasambahay ng pamilya ng biktima.

Sa ulat ni PO1 Geraldine Sagun, may hawak ng kaso, alas-5:00 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag na may naganap na krimen sa nasabing lugar.

Nang respondehan ang lugar ay natagpuan ang bangkay ng biktima na nakahubo’t hubad sa kama.

Nabatid na inihabilin ng ama sa suspek ang biktima dahil sa may pupuntahan ito. Nawawala rin ang pera ng ama na P20,000 na nakalagay sa cabinet.

Narekober ng mga pulis ang isang kitchen knife na may bahid ng dugo sa likod ng bahay na hinihinalang ginamit sa krimen.

Hinihintay pa ang resulta ng medical kung hinalay ang biktima ng baklang suspek. 

vuukle comment

BRGY

CAVITE

DASMARI

GERALDINE SAGUN

HINIHINTAY

MABUHAY HOMES

NABATID

NAMATAY

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with