‘Patrick Garcia’ pinatay sa tapat ng bahay

MANILA, Philippines - Sa mismong tapat ng kanyang bahay pinatay ang isang binatilyo na kapangalan ng actor na si Patrick Garcia  nang ito ay  barilin sa ulo ng dalawang lalaki kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Sa ulat, alas-5:30 ng hapon ay nakatambay sa harap ng kanyang bahay sa may Dulong Hernandez, Brgy. Catmon si Garcia nang ito ay lapitan ng dalawang salarin at walang kaabug-abog na pinagbabaril.

Ayaw magsalita ng mga residente na nakakita sa pangyayari sa takot na sila ay balikan ng mga suspek.  

Show comments