MANILA, Philippines - Upang lalong maging epektibo sa paglilingkod sa bayan ay dapat na pag-isahin at patatagin pa ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang bansa.
Ito ang inihayag ni ABAKADA Partylist Rep. Jonathan dela Cruz sa nalalabi nitong 692 araw na panunungkulan.
Anya may kaniya-kaniya pananaw sa mga problema at maaaring solusyon sa mga ito, ngunit hindi dapat bakuran ang mga sarili at makinig lamang sa sector o grupo lalo na si Pangulong Aquino.
Idinagdag pa ni Rep. Dela Cruz na dapat na ang Pangulo ang maging halimbawa sa pagsunod sa batas at sa pagkalinga sa mga naaapi at lalong pag-ibayuhin nito ang pagtatanggol at pagpapatupad ng mga nilalaman ng Saligang Batas.
Ang mga probisyon na nagsasabing Lehislatura ang tagahubog ng batas at tagamasid ng paggamit ng pondo ng bayan; ang Ehekutibo ang tagapatupad ng mga batas at ang Hudikatura ang pinal na tagapagbalanse at pagsasaayos ng nilalaman ng batas.