Impeachment vs. PNoy gugulong na

MANILA, Philippines - Pagugulungin na sa Kamara ang tatlong impeachment complaint na isinampa laban kay Pa­ngulong Noynoy Aquino.

Kinumpirma ni House Majority leader Neptali Gonzales, chairman ng House Committee on Rules na naipasa na ni House Speaker Feliciano Belmonte sa kanyang komite ang mga reklamo laban sa pangulo.

Aniya, isasama na nila sa order of business ng plenaryo sa Lunes ang mga reklamong impeachment laban sa pangulo.

Sa araw din iyon ay ire-refer naman ito sa House Justice Committee at dahil sa iisang araw lamang ang magiging referral sa nasabing komite kaya maaari na itong i-consolidate.

Matatandaan na ang dalawa sa impeachment complaints laban sa pa­ngulo ay may kaugnayan sa Disbursement Acce­leration Program (DAP) at ang isa naman ay tungkol sa isyu ng Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA).

 

Show comments