^

Police Metro

Utang ng Pinas lalampas ng P6 trilyon

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tila aabot na sa alapaap ang utang na kakaharapin ng Pilipinas matapos na makumpirma na lalampas na sa P6 trilyon ang kabuuang utang nito hanggang sa susunod na taon.

Sa ginanap na budget hearing  sa Kamara, kinumpirma ni Finance Secretary Cesar Purisima na aabot sa P6,596 trilyon ang projected total borrowings sa susunod na taon.

Ito ay dahil mangungutang ang bansa ng mahigit P700 bilyon para tustusan ang P283 bilyon budget deficit at ang maturing obligations ng gobyerno.

Kinuwestiyon naman ng  grupong Bayan Muna ang gawain ng gobyerno na mangutang nang mangutang gayung mayroon namang savings o unused funds ang gobyerno.

Paliwanag naman ni Budget Secretary Butch Abad, hindi pa nila masasabi sa ngayong kung magkakaroon ng savings ang gobyerno sa susunod na taon at tiniyak na hindi naman ilulubog ng administrasyong Aquino ang bansa sa utang.

Sa ngayon ay nasa P5.9 trilyon na umano ang outstanding debt ng bansa hanggang sa pagtatapos ng 2014.

AQUINO

BAYAN MUNA

BUDGET SECRETARY BUTCH ABAD

FINANCE SECRETARY CESAR PURISIMA

KAMARA

KINUWESTIYON

PALIWANAG

PILIPINAS

TILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with