Ex-Tserman, gasoline boy dedo sa holdap

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang dating barangay chairman na si Samuel Lodor, nasa hustong gulang, ng Brgy. Bariis at gasoline boy na si Ryan Baraquel, nang pagbabarilin matapos pumalag sa holdap kamakalawa sa isang gasoline station sa Legazpi City, Albay.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, dakong alas-3:45 ng hapon ay nagpapakarga si Lodor sa gasoline station na matatagpuan sa Brgy. Bigaa, Legazpi City nang dumating ang riding in tandem at hinoldap ang una.

Nanlaban si Lodor bunsod upang pagbabarilin siya ng mga holdaper na kung saan ang ibang mga bala ay tumama kay Baraquel.

Tumakas ang mga suspek tangay ang bag ni Lodor na naglalaman ng hindi pa madeterminang halaga.

Show comments