Chief Justice Sereno inisnab ang Kamara
MANILA, Philippines - Inisnab kahapon ni Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ang pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay sa pag-amyenda o pag-repeal sa PD 1949 na lumikha sa Judiciary Development Fund (JDF).
Nagpadala na lamang ng liham si Sereno kay Deputy Court Administrator Raul Villanueva at Deputy Clerk of Court Corazon Ferrer Flores para ipaliwanag ang kanilang hindi pagsipot.
Sa sulat ni Sereno, sinabi nito na premature na paharapin ang isang tulad niyang pinuno ng co-equal branch ng Kongreso sa inisyal na deliberasyon ng dalawang panukala kaugnay ng JDF at ang manner, timing at venue kung saan siya pinahaharap ay inappropriate.
Tumanggi naman sina Villanueva at Flores na humarap sa pagdinig dahil wala umano silang clearance mula sa Korte para dumalo dito. Gemma Garcia Butch Quejada
- Latest