MANILA, Philippines - Dalawang habambuhay na pagkakulong ang hinatol ng korte sa tatlong Chinese nationals na nagpapatakbo ng isang shabu laboratory sa Parañaque City.
Pinatawan ni Judge Danilo Suarez ng Parañaque City Regional Trial Court Branch 259 ng dalawang habambuhay na pagkakulong sina Chu Kin Tung, Wong Meng Pin at Li A Ging na napatunayang “guilty” sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Matatandaan na nadakip ang tatlong Chinese national noong Enero 29, 2010 nang salakayin ng mga tauhan ng PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force sa Concha Cruz Drive sa BF Homes Subidivision, sa naturang lungsod.
Nabatid na tinangkang itago ng mga salarin ang amoy ng iligal na droga sa pagsasaboy ng “disinfectant spray” at pagsisindi ng insenso sa lugar.
Sa pamamagitan ng search warrant, sinalakay ang lugar noong Enero 29, 2010 at nakumpiska ang mga ebidensya kabilang ang “finished products” na shabu, iba’t ibang kemikal na sangkap, mga paraphernalia at equipments