Recruiter ng kulto inatado ng saksak

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang construction  worker nang ataduhin ito ng saksak ng kasama trabaho na nainis dahil sa pag-recruit sa kanya na sumali sa isang kulto  kamakalawa ng gabi sa Port Area, Maynila.

 Ang nasawi ay kinilalang si Angelito Marinez ng 1-A4 Gawad Kalinga, Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Naaresto ang suspek na si Rogelio Ravallo, 50, ng 1-A5 Gawad Kalinga, Baseco Compound, Port Area, Manila.

Sa report dakong alas-6:40 ng gabi sa Baseco Compound ay pinipilit umano ng biktima na  sumapi sa kulto ang suspek.

Nang hindi puma­yag ay pinagtulungan   itong gulpihin ng  biktima at dalawang  kasamahan pa. Nakapa naman ng suspek ang nakasukbit niyang patalim kaya pinagsasaksak ang biktima habang ang dalawang kasama ay nakatakbo.

 

Show comments