Parak nanita ng adik, utas sa samurai

MANILA, Philippines - Patay ang isang pulis nang pagtatagain ng samurai ng isang adik na kanyang sinita dahil sa dala nitong armas kahapon ng madaling-araw sa Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Ang biktima ay kinilalang si PO3 Ferdinand Aguilar, aktibong kasapi ng pulisya sa lungsod.

Habang ang suspek ay kinilalang si Ray Israel Cortez, residente ng RAM Compound, Brgy.VI ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling-araw ay pauwi na ang biktima galing sa duty nang masalubong ang suspek na may dalang samurai sa kanto ng Asis at Garame Streets.

Sinita niya ito, gayunman bigla na lamang pinagtataga at sinaksak ng samurai ng suspek ang nasorpresang pulis.

 

Show comments