MANILA, Philippines - Isang ginang ang hinoldap mismo ng taxi driver na kanyang sinakyan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Ayon sa pahayag sa pulisya ng biktima na si Luzviminda Marcos, 45, dakong alas-9:30 ng gabi ay sakay siya ng taxi na hindi na nakuha ang plaka at pagsapit sa Sangandaan ay pumara ang isang lalaki na hinintuan naman ng driver.
Nagulat ang biktima nang hayaan ng taxi driver na makapasok sa loob ng sasakyan ang lalaki na kung saan ay tinutukan siya nito ng patalim at sapilitang tinangay ang P29,000 cash na gagamitin sana nito sa pamamakyaw ng isda.
Nang malimas ang pera ay sapilitang pinababa ng mga holdaper ang biktima sa taxi at mabilis na humaharurot.
Ayon sa biktima na naging aral sa kanya ang insidente kung kaya’t sa susunod na sumakay ng taxi ay agad na kukunin ang plaka at body number nito.